
Sina Kapuso stars Kelvin Miranda, Arra San Agustin, Liezel Lopez, at Thea Tolentino ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Matutunghayan ang kakaibang love square sa episode na pinamagatang "3 Sisters, 1 Lover."
Gaganap dito Kelvin bilang George, lalaking magkakaroon ng tatlong girlfriend na hindi niya alam na magkakapatid pala.
Si Arra ay ang panganay na si Chicha, si Liezel ay si Rhea, habang si Thea ang bunsong si Lelet. Lumaki nang magkakahiwalay ang tatlo dahil sa problema sa kanilang pamilya.
Nang malaman nina Chicha at Rhea na ang dating kasintahan nilang si George ang boyfriend na bunso nilang si Lelet, hindi sila magiging pabor sa relasyong ito.
Sino nga ba kina Chicha, Rhea, at Lelet ang tunay na mahal ni George?
Bukod kina Kelvin, Arra, Liezel, at Thea, bahagi rin ng episode ang aktor na si Leandro Baldemor.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "3 Sisters, 1 Lover," May 17, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.