
Bibida si Kapuso actor Mike Tan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Ang Lalaking Marupok," gaganap siya bilang Arnel, isang lalaking paulit-ulit ipinagpalit at tinalikuran ng maraming babae.
Bakit tila mailap kay Arnel ang suwerte sa pag-ibig?
Makakasama ni Mike sa episode ang naggagandahang Kapuso leading ladies na sina Rabiya Mateo, Lexi Gonzales, Roxie Smith, at Angela Alarcon.
Bahagi rin ng episode sina Isay Alvarez at Luke Conde.
Abangan ang brand-new episode na "Ang Lalaking Marupok," June 7, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.