What's on TV

Magpakailanman presents “Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan?: The Ramil Ramos Story”

Published January 1, 1970 8:00 AM PHT
Updated June 13, 2020 12:07 AM PHT

Around GMA

Around GMA

New Year's 2026 celebration around the world
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media

Article Inside Page


Showbiz News



Saksihan ang isa sa mga pinakanakakagimbal na kuwento ng 'Magpakailanman' ngayong Sabado.


Sinaunang panahon pa lang, may mga nagbebenta na ng laman para mabuhay. Ang tawag sa kanila, mga taong kumakapit sa patalim. At sa Pilipinas, marami sa mga kabataan ang pinapasok ang kalakarang ito para kumita ng madaliang pera--para may pangkain, may pangtustos sa gastos, at sa iba, para may pang-tuition.

Ito ang dahilan ni Ramil Ramos nang tanggapin niya ang alok ng kaibigan na pasukin ang pagiging call boy. Para magkapera...at para makapagtapos ng pag-aaral. Pero may isang sikretong matutuklasan si Ramil sa kaniyang pagpasok sa buhay na ito.

Bata pa lang si Ramil nang mawala sa buhay niya ang ama, nang iwan nila ito ng kaniyang ina nang madiskubre ng huli ang pagkataong itinatago ng napangasawa. Pagkataong makikilala ni Ramil ngayong kaharap na niya ang kaniyang ama… sa loob ng isang motel room… bilang customer niya.

Paano haharapin ni Ramil ang katotohanang natuklasan tungkol sa ama? ‘Yan at ilan pang mga tanong ang sasagutin ngayong Sabado sa Magpakailanman, sa kuwentong pinamagatang: “Ama, Bakit Mo Ako Pinabayaan? The Ramil Ramos Story.”

Itinatampok si Kiko Estrada sa kaniyang natatanging pagganap bilang si Ramil, kasama si Hiro Peralta at sa espesyal na partisipasyon ni Michael de Mesa. Ang episode na ito ay directed by Neal del Rosario at LA Madridejos, sa panulat ni Senedy H. Que, based sa research ni Loi Argel Nova.

Magpakailanman airs this Saturday, November 29, after Pepito Manaloto--and before Marian!