
Isang natatanging pagganap mula kay Kapuso actor Martin del Rosario ang dapat abangan sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.
Bibida siya sa episode na pinamagatang "Macho Papa Dancer."
Gaganap siya rito bilang John, isang ama na magtatrabaho bilang macho dancer para sa kanyang pamilya.
Maagang nag-asawa at nagkaroon ng anak si John. Gayunpaman, sinikap niyang maging mabuting provider sa kanila.
Pero nang magkasakit ang kanyang anak, kakailanganin niya ng malaking halaga ng pera. Bukod pa sa kanyang anak, inaalagaan din niya ang nanay niyang may sakit.
Kaya naman mapipilitan siyang tanggapin ang alok ng kaibigan na maging isang macho dancer dahil malaki at mabilis ang kita rito.
Matatanggap ba ng pamilya ni John ang kanyang trabaho? Anong panganib ang naghintay sa kanya sa ganitong hanapbuhay?
Makakasama ni Martin sa episode sina Angela Alarcon, Dave Bornea, at Betong Sumaya.
SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:
Abangan ang brand-new episode na "Macho Papa Dancer," September 6, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.