What's on TV

Liezel Lopez at Jason Abalos, mag-asawang taksil sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published October 2, 2025 5:40 PM PHT
Updated October 2, 2025 7:07 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Nearly 5T PUJ operators, drivers in NorthMin to get P5K aid
Who is Laura Siegemund? Alex Eala’s Round of 64 opponent at the Miami Open
'Make Your Marc' celebrates its Season 3 launch with an unforgettable prize for two!

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Gaganap sina Liezel Lopez at Jason Abalos bilang mag-asawang pagtataksilan ang isa't isa sa 'Magpakailanman.'

Sina Kapuso stars Liezel Lopez at Jason Abalos ang bibida sa bagong episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Bibigyang-buhay nila ang kuwento ng mag-asawang pagtataksilan ang isa't isa sa episode na pinamagatang "Ang Mag-asawang Taksil."


Si Liezel ay si Gelay at si Jason ay si Ador, mag-asawang hindi mabiyayaan ng anak sa kabila ng ilang taong pagsasama.

Para patunayang hindi siya baog, makikipagrelasyon si Ador sa ibang babae. Samantala, magkakamabutihan naman si Gelay at dati niyang manliligaw.

Paano kung magbunga ang pagtataksil na ito?

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand-new episode na "Ang Mag-asawang Taksil," October 4, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.