What's on TV

Kuwento ng 'special needs' family, tampok sa 'Magpakailanman'

By Marah Ruiz
Published January 21, 2026 3:39 PM PHT
Updated January 21, 2026 5:44 PM PHT

Around GMA

Around GMA

Singil sa tubig ng Manila Water, Maynilad, tataas simula sa Abril 2026
Man hurt in spear attack in Bukidnon; suspect shot by responding cop
University of the Philippines Integrated School building closes due to structural integrity concerns

Article Inside Page


Showbiz News

Magpakailanman


Tampok sa 'Magpakailanman' ang kuwento ng isang pamilyang maraming "special needs."

Kuwento ng isang kakaibang pamilya ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "My Special Family," tungkol ito sa mag-asawang may limang anak at apat dito ay may "special needs" o 'yung may medical, mental, o psychological conditions na kailangan ng angkop na tulong.

Gaganap sina Gardo Versoza at Isay Alvarez bilang mag-asawang mangingisda na magkakaroon ng mga anak na may schizophrenia, epilepsy, developmental disorder, at learning disability.

Makakasama nila sa episode sina Shayne Sava, Therese Malvar, Barbara Miguel, Dave Bornea, at Shanelle Agustin na gaganap bilang kanilang mga anak.

SILIPIN ANG ILANG EKSENA NG EPISODE SA GALLERY NA ITO:

Abangan ang brand-new episode na "My Special Family," January 24, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.