IN PHOTOS: Dalagang naputulan ng binti, naging dance sport champion sa '#MPK'

GMA Logo Sayaw ng Buhay The Lairca Nicdao Story

Photo Inside Page


Photos

Sayaw ng Buhay The Lairca Nicdao Story



Tampok ang buhay ng para dance sport champion na si Lairca Nicdao sa Holy Week special ngayong Good Friday, April 2, ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Anim na taong gulang pa lang si Lairca nang maputulan siya ng binti dahil sa sakit na bone cancer.

Dahil dito, naging tampulan siya ng tukso sa kanilang paaralan.

Isang araw, iimbitahan siya ng technician na nag-aayos ng kanyang prosthetic leg na subukan ang Para Dance Sport, isang uri ng competitive dancing para sa mga may kapansanan.

Ang technician na ito ay si Julius Jun Obero na isang multi-champion sa sport at magiging team mate pa ni Lairca.

Sa edad na 17, sasali siya sa unang pagkakataon sa 2019 World Para Dance Sport Championships sa Bonn, Germany.

Maiuuwi naman ni Lairca ang gold medal sa women's junior single class 2 event ng kumpetisyon.

Pero bago maging world champion, ano nga ba ang naging buhay ni Lairca?

Tunghayan ang kanyang buhay sa Holy Week special na pinamagatang "Sayaw ng Buhay: The Lairca Nicdao Story," ngayong Good Friday, April 2, 10:30 pm sa #MPK.


Bianca Umali
Bone cancer
School
Nikki Co
Dave Bornea
Special participation
#MPK

Around GMA

Around GMA

9 alleged ex-terrorists surrender in Maguindanao del Norte
US Homeland Security orders pause of DV1 visa program
Pop Mart opens first permanent PH store