IN PHOTOS: Ang sinungaling na chatmate sa '#MPK'

Sa paglawak ng paggamit ng mga smartphones at chat applications, napapanahon ang upcoming episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Isang dalaga ang malalagay sa panganib dahil sa pakikipag-usap sa isang taong nakilala lang niya sa Internet sa episode ng pinamagatang "Don't Chat With Strangers."
Makikilala ni Rica (Jazz Ocampo) si Edgar (Neil Ryan Sese) online at magsisimulang makipag-chat dito.
Masarap kausap si Edgar kaya mapapalagay ang loob ni Rica dito.
Laking gulat ni Rica nang magkita sila ni Edgar dahil hindi pala niya tunay na litrato ang ginamit sa kanyang profile.
Bukod dito, malaki rin ang agwat ng kanilang edad!
Ano ang kahihinatnan ng pakikipagkaibigan ni Rica kay Edgar?
Alamin sa episode na "Don't Chat With Strangers" ngayong Sabado, November 21, 8:15 pm sa '#MPK.'







