IN PHOTOS: Ama, nag-email ng huling habilin sampung buwan matapos pumanaw sa '#MPK'

GMA Logo My Everlasting Love on MPK

Photo Inside Page


Photos

My Everlasting Love on MPK



Pasko na sa upcoming brand new episode ng real-life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'


Tampok sa special Christmas episode ngayong parating na Sabado, December 11, ang kuwento ng isang pag-iibigang tatawirin kahit ang kamatayan.

Pagbibidahan ito ni Kapuso actress Barbie Forteza, kasama ang mga beteranong aktor at real life couple na sina Isay Alvarez at Robert Seña.

Masaya ang kanilang pamilya hanggang sa atakihin sa puso si Bing na gaganapan ni Robert. Makaka-recover naman siya at makakabalik pa sa trabaho.

Pero matapos ang isang taon, magkakaroon naman ito ng kidney failure na siya niyang ikamamatay.

Bibigyang-buhay naman ni Barbie si Alyssa, na makakatanggap ng isang email mula kay Bing sampung buwan matapos itong sumakabilang buhay.

Laman nito ang ilang bilin para sa sorpresang silver wedding anniversary celebration na inihanda niya para sa kanyang asawang si Joji na gaganapan naman ni Isay.

Puspusan naman ang pagsisikap ni Alyssa na tuparin ang huling hiling ng kaniyang ama.

Abangan ang "My Everlasting Love: The Joji and Alyssa Mendoza Story" ngayong Sabado, December 11, 8:15 pm sa '#MPK.'
Please link plug once available

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito.


Barbie Forteza
Robert Seña
Isay Alvarez
Happy family
Sick
Surprise
My Everlasting Love

Around GMA

Around GMA

Fans frustrated by long queues, ticket sales halt on day one of Australian Open
Girl, 7, hit, run over by pickup truck in Ilocos Sur; dies
'Heated Rivalry' star Hudson Williams makes runway debut at Milan Fashion Week