IN PHOTOS: Buhay ni Rudy Baldwin, tampok sa '#MPK'

GMA Logo Babala at Pangitain The Rudy Baldwin Story on MPK

Photo Inside Page


Photos

Babala at Pangitain The Rudy Baldwin Story on MPK



Buhay ng visionary at dream translator na si Rudy Baldwin ang tampok sa fresh at brand new episode ng real life drama anthology '#MPK' o 'Magpakailanman.'


Nag-viral si Rudy noong 2020 dahil sa mga prediksiyong pino-post niya sa kanyang Facebook page.

Nagkakaroon daw kasi ng mga visions o pangitain si Rudy tungkol sa iba't ibang mga sakuna na maaaring mangyari sa Pilipinas at sa ibang bansa.

Maging mga lotto numbers, kaya daw niyang hulaan.

Para sa kanya, isang biyaya mula sa Panginoon ang ipinagkaloob sa kanyang kakayahan.

"Siyempre, [galing ito] kay Jesus. Sa kaniya lang talaga. 'Yung kapangyarihan ng Diyos hindi mo kayang ipaliwanag, sana unawain nila na 'yung gift kong negative ay para rin sa kanila 'yun," pahayag ni Rudy nang ma-feature siya sa programang 'Kapuso Mo, Jessica Soho.'

Ngayon, may 3,262,457 likes, at 3,439,784 followers na ang kanyang Facebook account.

May 313,000 subscribers at 4,861,895 combined video views naman ang kanyang YouTube account.

Ibinahagi ni Rudy ang kuwento ng kanyang buhay sa #MPK.

Bata pa lang daw kasi siya, nakakakita na siya ng mga pangitain na puno ng sakuna, krimen at kamatayan.

Hindi siya pinaniniwalaan o kaya naman ay lubos siyang kinakatakutan kapag isinisiwalat niya ang kanyang mga nakikitang pangitain.

Umabot pa sa punto na nakakatanggap siya ng death threat at minarapat niyang lumayo muna sa kanyang pamilya para mapanatiling ligtas ang mga ito.

Sinubukan din daw ni Rudy na balewalaan ang mga pangitain ngunit hindi kinaya ng kunsensiya niya ang mga nauwing trahedya na dapat sana ay napigilan niya.

Paano matututunan ni Rudy na tanggapin ang pambihirang kakayanan na ibinigay sa kanya?

Abangan sa brand new episode na pinamagatang "Babala at Pangitain: The Rudy Baldwin Story" ngayong Sabado, January 23, 8:00 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito.


Rudy Baldwin
Visions
Tragedy
Family
Conscience
Ina Feleo
Babala at Pangitain: The Rudy Baldwin Story

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'