IN PHOTOS: Masahista, may "extra service" sa '#MPK'

GMA Logo Masahista for Hire on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Masahista for Hire on #MPK



Bibida sa fresh at brand new episode ng real life drama anthology #MPK o Magpakailanman ngayong parating na Sabado ang bagong pirmang Kapuso na si Royce Cabrera.


Gaganap siya sa episode bilang isang binatang mapipilitang kumapit sa patalim para itaguyod ang kanyang pamilya.

Bibigyang-buhay ni Royce si Makoy, na magtatrabaho bilang isang masahista.

Nagkaroon kasi ng malubhang sakit ang kanyang ama, habang nakakulong naman ang kanyang ina. Siya na lang din ang inaasahan ng nakababata niyang kapatid na nag-aaral pa.

Dahil sa kakulangan sa pera, mapipilitang magbigay ng tinaguriang "extra service" si Makoy sa kanyang mga male customers.

Ito ang unang pagkakataong bibida si Royce sa #MPK. Bago nito, naging bahagi na siya ng episode ng Fishergays: Mga Tigasing Sirena sa Laot kasama sina Jak Roberto, Dave Bornea, Raphael Robes at Mela Habijan.

Isang award-winning actor si Royce na pinarangalan bilang Best New Lead Actor sa 7th Urduja Heritage Film Awards 2020 para sa pagganap niya sa pelikulang Fuccbois.

Nominado rin siya bilang Best Actor sa Gawad Urian 2020 Awards at Best Performance sa Young Critics' Circle 2020 kasama ang kanyang co-star na si Kokoy de Santos para sa Fuccbois.

Bukod kay Royce, bahagi rin ng episode sina Neil Ryan Sese, Alma Concepcion at Starstruck Season 7 Ultimate Male Survivor Kim de Leon.

Abangan sa brand new episode na pinamagatang "Masahista for Hire" ngayong Sabado, February 6, 8:00 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito.


Royce Cabrera
Masahista
Neil Ryan Sese
Alma Concepcion
Kim de Leon
Rob Sy
Masahista for Hire

Around GMA

Around GMA

NBA: Jimmy Butler tears ACL, out for season —reports
900 pamilya sa Albay na apektado ng Bulkang Mayon, hinatiran ng tulong ng GMAKF | 24 Oras
Rider who obstructs firetruck in Bacolod City identified