IN PHOTOS: Buhay ng komedyanteng si Petite, tampok sa '#MPK

GMA Logo When I Fall in Laugh: The Vincent Aychoco Story on #MPK

Photo Inside Page


Photos

When I Fall in Laugh: The Vincent Aychoco Story on #MPK



Buhay ng komedyanteng si Petite o Vincent Aycocho sa tunay na buhay, ang tampok sa upcoming episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.


Nang maghiwalay ang mga magulang ni Vincent, pinili niyang sumama sa kanyang amang si Arvin kahit hindi nito tanggap ang pagiging bakla niya.

Kahit madalas mag-away, hindi pa rin nito iniwan ang ama.

Makikilala ni Vincent si Jesicca, babaeng mas matanda sa kanya pero tanggap ang pagiging beki niya.

Kaya kahit kasing edad nito ng kanyang ina, makikipagrelasyon si Vincent kay Jesicca para mapasaya ang kanyang ama.

May anak din si Jesicca na kasing edad ni Vincent, si Alma.

Laking gulat nina Vincent at Jesicca nang malamang may relasyon pala sina Arvin at Alma! Bukod dito, nagdadalangtao pa ang dalaga.

Paano magsasama-sama sa iisang bubong ang kakaibang pamilyang ito?

Si Kevin Santos ang gaganap bilang si Petite, habang si Dennis Padilla naman ang gaganap bilang kanyang amang si Arvin.

Si Snooky Serna ay si Jesicca at si Ashley Rivera naman ang gaganap bilang Alma.

Second to the last sentence: Abangan ang buhay ng komedyanteng si Petite sa "When I Fall in Laugh: The Vincent Aycocho Story" ngayong Sabado, May 13, 8:00 pm sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Petite
Kevin Santos
Dennis Padilla
Snooky Serna
Ashley Rivera
Unique family
When I Fall in Laugh

Around GMA

Around GMA

Unang Hirit Livestream: December 17, 2025
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection