IN PHOTOS: Buntis, pinagtulungan ng pamilya ng asawa sa '#MPK'

GMA Logo The Abused Pregnant Wife on #MPK

Photo Inside Page


Photos

The Abused Pregnant Wife on #MPK



Isang maselang kuwento ng isang pamilya ang matutunghayan sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Tungkol ito sa isang buntis na imbis na arugain at ingatan ang kanyang pamilya, nakaranas pa ng paulit-ulit na pang-aabuso mula sa mga ito.

Naghahanap lang naman ng pag-ibig si Aila matapos maging heartbroken. Makikilala niya si Randy na tila isang simple at disenteng binata.

Walang kaalam-alam si Aila na isa palang mama's boy si Randy. Mapapagtanto lang niya ito nang ikasal na sila at imbis na bumukod para magsimula ng sarili nilang mga buhay, makikitira sila sa tahanan ng ina nito.

Makakarinig si Aila ng mga masasakit na salita mula sa ina at pati na sa kapatid ni Randy. Bukod dito, pisikal din siyang sinasaktan ng mga ito.

Ikagugulat ni Aila na pati si Randy, magiging mapanakit sa kanya!

Hindi rin tumigil ang mga pananakit nang ipaalam ni Aila na nagdadalangtao siya.

Paano makakaligtas si Aila at batang ipinagbubuntis niya mula sa pang-aabuso ng kanyang pamilya?

Si Liezel Lopez ang gaganap bilang Aila. Si Rodjun Cruz naman ang asawa niyang si Randy.

Bahagi rin ng episode sina Glenda Garcia, Gilleth Sandico, Elle Ramirez at Lowell Conales.

Abangan ang kuwento ni Aila sa brand new episode na pinamagatang "The Abused Pregnant Wife" ngayong Sabado, March 13, 8:00 pm sa '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Liezel Lopez
Rodjun Cruz
Mama's boy
Abuse
Husband
Aila
The Abused Pregnant Wife

Around GMA

Around GMA

Balitanghali Livestream: December 24, 2025
'Boga' hurts 2 kids in Iloilo; hit in the eyes