IN PHOTOS: Buntis, malalagay sa panganib dahil sa pekeng mangggamot sa '#MPK'

GMA Logo Sa Kamay ng Fake Healer on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Sa Kamay ng Fake Healer on #MPK



Siguradong titindig ang inyong balahibo sa episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ngayong Sabado.

Tungkol kasi ito sa isang faith healer na masasamang elemento pala ang gamit para manggamot.

Tampok sa episode si Ultimate Star Jennylyn Mercado bilang Mylene, isang babaeng magiging tagasunod ng faith healer na si Noel na role naman ni Marc Anthony Falcon.

Noong una, hindi naniniwala si Mylene kay Noel. Pero nang magbuntis siya at maaksidente, si Noel ang nagligtas sa kanya at sa sanggol sa kanyang sinapupunan.

Matapos nito, naging buo na ang tiwala ni Mylene kay Noel. Patuloy naman ang pagsikat ni Noel bilang isang faith healer.

Ang hindi alam ni Mylene, gamit pala ni Noel ang tuway o kneecap ng kanyang yumaong tiyahin para maggamot.

Inutusan pala ni Noel ang pinsan ni Mylene na hukayin ang mga labi ng kanilang tiyahin para kunin ang kneecap nito.

Ang kneecap na ito rin pala ang ginamit ni Noel para gamutin si Mylene.

Kaya naman pati si Mylene, minumulto na rin ng kanyang tiyahin!

Paano malalagay sa tahimik ang kaluluwa ng kanilang tiyahin? Mananatili bang ligtas ni Mylene at kanyang anak?

Bukod kay Jennylyn at Marc Anthony, bahagi din ng episode si Juancho Trivino.

Huwag palampasin ang nakakakilabot na istoryang ito sa episode na "Sa Kamay ng Fake Healer," ngayong Sabado, October 29, 8:15 p.m. sa #MPK.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.


Jennylyn Mercado
Marc Anthony Falcon
Buntis
Kneecap
Multo
Juancho Trivino
Sa Kamay ng Fake Healer

Around GMA

Around GMA

Farm to Table: (December 28, 2025) LIVE
Stray bullet kills 66-year-old man in Pampanga
Miss Grand International All Stars announces rescheduling