IN PHOTOS: Si Tekla bilang ang Tubig Queen ng Cebu sa '#MPK'

Isang makulay at 'di malilumutang kuwento na naman ang hatid ng isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Mapapanood ngayong parating na Sabado ang kuwento ng tinaguriang "Tubig Queen" ng Cebu, si Jay Kummer Teberio o mas kilala bilang "Dodoy."
Para maiba sa maraming nagtitinda sa kalye, nagususot si Dodoy ng mga makukulay na damit at mga accesories. Sumasayaw sayaw pa siya habang naglalako ng tubig.
Dahil dito, nag-viral si Dodoy at kinagiliwan nang lubos sa social media.
Si Kapuso comedian Tekla ang gaganap bilang Dodoy.
Bahagi rin ng episode sina Nanette Inventor, Kenneth Medrano at Stephanie Sol.
Tunghayan ang "Reyna Ng Tubig: The Jay Kummer "Dodoy" Teberio Story" ngayong Sabado, May 15, 8:00 pm sa '#MPK.'








