IN PHOTOS: Ginang, hahayaang magbenta ng katawan ang mister sa '#MPK'

GMA Logo Husband for Sale on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Husband for Sale on #MPK



Isang kakaibang pamilya na naman ang tampok sa isang episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Kuwento ito ng mag-asawang Precy at Anthony na dahil sa kakapusan, mapipilitang kumapit sa patalim.

Tuwing gipit, lumalapit si Anthony sa kanyang boss na si Rochelle. Inaabutan naman ni Rochelle si Anthony ng pera kapalit ng sexual favors.

Nang malaman ni Precy ang tugkol dito, ikagugulat at ikakagalit niya ito. Pero mapipilitan siyang magparaya nang malagay sa alanganin ang kalusugan ng kanyang ama.

Hahayaan ni Precy na ipagpatuloy nina Rochelle at Anthony ang kanilang relasyon kapalit ng panggastos ng kanilang pamilya.

Ano ang magiging epekto nito sa pagsasama ng mag-asawa?

Si Kapuso actres Carla Abellana ang gaganap bilang Precy, habang si Rafael Rosell naman ang kanyang asawang si Anthony.

Bahagi din ng episode si Katrina Halili na gaganap bilang Rochelle.

Huwag palampasin ang kanilang kuwento sa "Husband for Sale" ngayong Sabado, May 22, 8:00 pm sa '#MPK.'


Silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito:


Rafael Rosell
Rap Fernandez
Carla Abellana
Mag-ama
Group photo
Buntis
Katrina Halili
Binyag
Wacky shot
Husband for sale

Around GMA

Around GMA

Hidilyn Diaz leads officials' oath taking as weightlifting debuts in 2026 Palarong Pambansa
Farm to Table: (May 24, 2026) LIVE
Philippine Half Marathon Series 2026 boosts local sports tourism across six cities