IN PHOTOS: Preso at OFW, mag-iibigan sa '#MPK'

GMA Logo Prisoners of Love on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Prisoners of Love on #MPK



Kuwento ng pag-ibig at pag-asa ang hatid ng upcoming brand new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Tampok dito ang istorya ng dalawang bilanggo--si Michael na nakakulong dahil sa iba't ibang pagkakamali at si Evelyn na tila nakakulong din dahil sa mapagmalupit niyang amo.

Inabandona ng kanyang amang Amerikano si Michael kaya naman tiyahin niya ang nagpalaki sa kanya. Dahil walang mga magulang na gagabay sa kanya, mapapariwara ang kanyang buhay.

Aabot ito sa puntong makukulong siya dahil sa patong-patong na mga pagkakamali.

Makikipagsapalaran naman si Evelyn bilang isang domestic helper sa Hong Kong para itaguyod ang kanyang pamilya.

Makakakuha man ng trabaho, hindi naman siya susuwertehin dahil nananakit at masyadong istrikto ang kanyang employer.

Magkakakilala sina Michael at Evelyn online. Uusbong naman ang pag-iibigan nila kahit malayo sa isa't isa.

Si Kapuso actor Kristoffer Martin ang gaganap bilang Michael.

"'Yung character niya laging may hope, e. Umaasa pa rin siya na may makakakita ng mabuting loob niya, 'yung good side niya. Gusto ko yung character niya kasi full of hope talaga," lahad ni Kristoffer tungkol sa kanyang role.

Ito naman ang first lead role ng bagong Kapuso actress na si Elle Villanueva, na gaganap bilang si Evelyn.

"Na-realize ko din sa character na ito na sa Pilipinas uso 'yung babae 'yung talagang nagsasakripisyo para sa pamilya. Sa ibang bansa laging lalaki 'yung nagtatrabaho. Dito sa Pilipinas palaging babae 'yung umaalis, nagtatrabaho para sa pamilya. Na feel ko 'yung women empowerment," aniya.

Bahagi din ng episode sina Victor Anastacio at Don Umali.

Huwag palampasin ang kuwento ng pag-ibig at pag-asa sa brand new episode na "Prisoners of Love" ngayong Sabado, June 5, 8:00 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito:


Michael
Evelyn
Bilanggo
OFW
Video call
Love
Prisoners of Love

Around GMA

Around GMA

SMC to waive toll fees for Christmas, New Year
P7M suspected shabu seized; 4 nabbed in NorthMin drug busts
Marian Rivera meets Hirono creator Lang and gets an autographed illustration