IN PHOTOS: Love square na bunga ng dysfunctional relationships, tampok sa '#MPK'

Apat na tao ang masasangkot sa isang love square sa upcoming brand new episode ng real-life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Kuwento ito nina Anne at Jon, dalawang taong unti-unting iibig sa isa't isa.
Pero hindi sila pwedeng magsimula ng isang relasyon dahil pareho silang may mga partners.
May girlfriend si Anne na nagngangalang Roxy. Kahit hindi madalas magkasundo, nanatili silang magkarelasyon.
Si Jon naman ay nasa isang relasyon sa kanyang business partner na si Kim. Mas bata si Kim kay Jon at nipilitan siyang makipagrelasyon dito dahil sa kanilang negosyo.
Si beauty queen-turned actress Maxine Medina ang gaganap bilang Anne, habang si Dion Ignacio ay si Jon.
Si Arny Ross naman ang gaganap bilang Roxy, at si Yvette Sanchez ay si Kim.
Huwag palampasin ang kuwento ng pag-ibig at pag-asa sa brand new episode na "Mahal Kita, Mahal Mo Siya" ngayong Sabado, June 12, 8:00 pm sa '#MPK.
Silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito:






