IN PHOTOS: Dalagang 18 years old, umibig sa lalaking 50 years old sa '#MPK'

Isang May-December love affair and tampok sa upcoming brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Kuwento ito ni Leila, isang 18-year old na dalaga. Nang makulong ang kanyang ama at makahanap ng panibagong asawa ang kanyang inang si Mayet, magsisimula siyang magrebelde.
Makikilala niya si Dan, isang 50-year old na biyudo at may dalawang anak--sina Ben at Arlene.
Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad, mahuhulog ang loob ni Leila kay Dan. Hindi nagtagal, sumama na siya dito para tumira sa isang bubong.
Pero hindi boto sa kanya ang mga anak ni Dan. Mas matanda pa kasi ang mga ito kaysa kay Leila!
Paano mabubuhay nang sama-sama ang pamilyang ito?
Si Angela Alarcon ay si Leila habang si Gardo Versoza naman si Dan.
Si Prince Clemente naman si Ben at si Erin Ocampo ay si Arlene.
Bahagi din ng episode si Jenine Desiderio bilang Mayet.
Abangan ang kakaibang pamilyang ito sa sa brand new episode na "Batang Madrasta" ngayong Sabado, June 26, 8:00 pm sa '#MPK.
Silipin ang ilang eksena ng episode mula sa gallery na ito:






