FIRST LOOK: Ang unang paglabas ni Pokwang sa '#MPK'

Sa unang pagkakataon, bibida si Pokwang sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Bibigyang-buhay niya ang kuwento ni Helen, isang nanay na gagawin ang lahat para maitaguyod ang kanyang pamilya.
May kapansanan pa ang isa sa kanyang mga anak, kaya para matustusan ang mga pangangailangan nito, nagtitinda, nangungutang, at sumasali sa mga beauty contests si Helen.
Nakakatanggap siya ng pangungutya at pangmamaliit dahil sa sunod-sunod na pagsali niya sa mga beaucon para sa prize money.
Pati ang kanyang pamilya, hindi pabor sa paraan ng paghahanapbuhay niya.
Lubos naman daw nag-enjoy si Pokwang sa paggawa ng episode na ito.
"Talagang bet na bet ko po 'yung role ko dito. I'm sure matatawa at maiiyak kayo. Ito po ay pinamagatang 'Nanay Kontesera,' ngayong Sabado na po 'yan dito lamang po sa GMA," lahad niya.
Huwag palampasin ang unang paglabas ni Pokwang sa #MPK! Tunghayan ang brand new episode na pinamagatang "Nanay Kontesera," ngayong Sabado, July 10, 8:00 pm sa #MPK.
Narito ang unang pasilip sa karakter ni Pokwang sa episode.






