IN PHOTOS: Pinoy OFW at Russian model, umibig sa isa't isa sa '#MPK'

GMA Logo From Russia with Love on #MPK

Photo Inside Page


Photos

From Russia with Love on #MPK



Love story sa pagitan ng isang Pinoy at isang Russian ang tampok sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Patok sa mga Pinoy ang vlog ng mag-asawang Eric at Anna kasama ang tatlo nilang mga anak.

Pero bago pa man sila naging isang masayang pamilya, nagkakilala ang dalawa sa Amerika.

Overseas Filipino worker o OFW is Eric noon, habang exchange student naman si Anna.

Magkaiba man ng kultura at may language barrier, mahuhulog din ang loob nila sa isa't isa. Habang nagbabakasyon sa Pilipinas, magpo-propose si Eric.

Ikakasal ang dalawa at magsisimula ng pamilya sa Amerika. Pero dahil hindi magiging maayos ang trabaho doon ni Eric, mapagdedesiyunan nilang sa Pilipinas tumira.

Dito, susubukang pumasok ni Anna sa modeling industry. Magsisikap namang maging real estate agent si Eric.

Tila umayos na ang lahat pero susubukan naman ng COVID-19 at pandemya ang kanilang pamilya.

Paano ito malalamapsan nina Eric at Anna?

Si Max Collins ang gaganap bilang Anna, habang si Nico Antonio naman si Eric.

Bahagi din ng episode si Tanya Gomez na gaganap bilang Prescy, ang nanay ni Eric.

Tunghayan ang kanilang love story sa brand new episode na pinamagatang "From Russia with Love," ngayong Sabado, July 24, 8:00 pm sa '#MPK.'
Will send plug once available

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Max Collins
Nico Antonio
Tanya Gomez
Amerika
COVID-19
Eric and Anna
From Russia with Love

Around GMA

Around GMA

Celebrity breakups that shocked the nation in 2025
Girl rescued, hostage-taker killed in Marawi City