IN PHOTOS: Guwapong textmate, nagayuma sa '#MPK'

GMA Logo  Biktima ng Gayuma on MPK

Photo Inside Page


Photos

 Biktima ng Gayuma on MPK



Tunghayan ang kapangyarihan ng gayuma sa sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Malapit ang magkapatid na sina German at Ella. Pero mapapansin ni Ella na tila magbabago ang ugali at kilos ng kanyang kuya, lalo na nang magkaroon ito ng madalas kausap sa text.

Isang misteryosong babaeng nagngangalang Jenny ang textmate ni German. Laking gulat ni Ella nang ianunsyo ni German na ikakasal na sila ni Jenny!

Magagawa pa ni German na itakwil si Ella at ang kanilan inang si Belen.

Malalaman na lang ni Ella na ginayuma pala ni Jenny si German. Susubukan ni Ella na kausapin ang kapatid pero wala nang ibang laman ang utak nito kundi si Jenny.

Masagip kaya ni Ella ang kanyang kuya German?

Si Rhian Ramos ang gaganap na Ella habang si Pancho Magno naman si German.

Bahagi rin ng episode si Maritess Joaquin na gaganap bilang Belen, ang ina nina German at Ella.

Samantala, abangan din ang aktres na gaganap bilang Jenny.

Huwag palampasin ang brand new episode na pinamagatang "Biktima ng Gayuma," ngayong Sabado, July 31, 8:00 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


German
Ella
Belen
Jenny
Gayuma
Magkapatid
Biktima ng Gayuma

Around GMA

Around GMA

Pekeng pulis, bumangga sa sasakyan ng mga tunay na pulis! | GMA Integrated Newsfeed
Andi Eigenmann looks back on 2016 experience
LIST: LGUs announce class suspension due to #AdaPH