IN PHOTOS: Magkakapatid, makakaranas ng pang-aabuso mula sa sariling ama sa '#MPK'

Tatalakayin sa brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman ang usapin ng sexual abuse sa loob mismo ng isang pamilya.
Very close ang magkakapatid na sina Jessa, Diana, at Luna.
Ikakagulat nina Diana at Luna nang biglang lumuwas patunong Maynila ang panganay nilang kapatid na si Jessa para manirahan doon.
Hindi ito sinabi ni Jessa sa mga nakababatang kapatid pero ang dahilan ng kanyang pag-alis ay ang paulit ulit na pang-aabusong sekswal na dinaranas nito mula sa kanilang amang si Nestor.
Sinubukan pa ni Jessa na magsumbong sa kanilang inang si Esme pero hindi ito naniwalang makakayang gumawa ng kahalayan ang asawa sa sarili nilang anak.
Matapos umalis si Jessa, sa gitnang anak na si Diana naman nabaling ang atensiyon ni Nestor.
Makaligtas kaya ang magkakapatid mula sa patuloy na pang-aabuso ng ama?
Si Ashley Ortega ang gaganap bilang Jessa. Si Therese Malvar naman ay si Diana habang si Althea Ablan ang gaganap bilang Luna.
Bahagi rin ng episode si Michael Flores na lalabas bilang Nestor, habang ang kanyang asawa sa tunay na buhay na si Nina Alagao ang gaganap bilang on-screen misis niyang si Esme.
Huwag palampsin ang brand new episode na pinamagatang "Our Abusive Father," ngayong Sabado, August 14, 7:15 pm sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






