IN PHOTOS: Lalaki, gagamitin ang boxing para mapaaral ang nobya sa '#MPK'

Isang kuwento tungkol sa sports at pag-ibig ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Ito ay pagbibidahan ni Jak Roberto na gaganap bilang Jonel, isang binatang luluwas ng Maynila para tuparin ang kanyang pangarap na maging sikat na boxer.
Dito niya makikilala si Mylen o Mai, na gagampanan ni Elle Villanueva.
Isang working student si Mai at makararanas ito ng depresyon dahil hindi niya mapagsabay ang pag-aaral at pagtatrabaho para sa kanyang pamilya.
Para naman matulungan si Mai, isasantabi muna ni Jonel ang kanyang pangarap. Imbis na mag-concentrate siya sa pagte-training, papasukin niya ang sunud-sunod na boxing matches para kumita ng pera.
Dahil katawan at lakas ang kanyang puhunan, hindi magiging madali para kay Jonel ang pagsuporta kay Mai.
Maipagpapatuloy pa ba ni Jonel ang pagsuporta kay Mai?
Tunghayan ang pambihirang kuwento ng pagsasakripisyo sa fresh at brand new episode na "Boxer and His Scholar," ngayong Sabado, November 6, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






