IN PHOTOS: Babae, magkakaroon ng love life dahil sa tabo sa '#MPK'

GMA Logo May Forever sa Tabo on MPK

Photo Inside Page


Photos

May Forever sa Tabo on MPK



Light pero may kurot sa puso ang upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Pamaskong handog ng #MPK ang "May Forever sa Tabo: The Jolo and Rain Argales Story."

Kuwento ito ni Rain, isang babaeng mababa ang self-confidence. Imbis na maghanap ng love life, ibinuhos niya ang kanyang oras sa pagtatrabaho para sa kanyang pamilya.

Dahil isang call center agent, kinailangan niyang mag-Pasko nang malayo sa mga ito. Pero tila may regalo pa rin sa kanya ang tadhana.

Makikilala niya kasi ang kanyang guwapong kapitbahay na si Jolo nang manghiram siya ng tabo dito.

Magiging malapit ang loob nila sa isa't isa simula noong Paskong iyon. Kalaunan, magsasama na rin sa iisang bubong sina Jolo at Rain.

Masusubukan ang relasyon ng dalawa dahil tutol ang nanay ni Rain na si Magdalena kay Jolo. Palagay kasi ni Magdalena, lolokohin lang ng guwapong lalaki ang anak.

Masisira kaya ang kanilang pagsasama?

Tunghayan 'yan sa brand new episode at Christmas special na "May Forever sa Tabo: The Jolo and Rain Argales Story," ngayong Sabado, December 18, 8:15 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Riel Lomadilla
Yasser Marta
Tanya Gomez
Tabo
Close
Tutol
May Forever sa Tabo

Around GMA

Around GMA

Filipino volunteers play key role at Vatican’s Jubilee of Hope
Farm to Table: (January 11, 2026) LIVE
Manifest success in 2026 with these 5 Gemini prompts