IN PHOTOS: Binatang 'di nakilala ang foreigner na ama, nagrebelde sa '#MPK'

Sa mismong araw ng Pasko, December 25, papatak ang upcoming fresh at brand new episode ng '#MPK' o 'Magpakailanman' ngayong linggo.
Dahil dito, hatid ng real life drama anthology ang isang espesyal na Christmas episode para sa mga manonood.
Tampok dito ang kuwento ni Jessy Hernandez, isang binatang bunga ng Pinay na ina at Black Australian na ama.
Sanggol pa lang si Jessy, inihabilin na siya ng mga magulang niya sa mga kamag-anak na sina Tiyo Atoy at Tiya Lorna para makabalik ang mga ito sa pagtatrabaho sa Italy.
Sa kasamaang palad, nagkahiwalay ang kanyang mga magulang kaya't hindi man lang nakilala ni Jessy ang kanyang ama.
Minahal nina Tiyo Atoy at Tiya Lorna si Jessy na parang tunay nilang anak pero sadyang may mga katanungan tungkol sa kanyang pagkatao ang binata.
Uhaw na nga sa pagmamahal ng tunay na magulang, nakakaranas pa ng diskriminasyon si Jessy. Namana niya kasi mula sa kanyang Black na ama ang maitim na balat at kulot na buhok.
Natutong magrebelde si Jessy dahil sa mga mapapait na karanasang ito.
Maituwid pa ba ng pagmamahal nina Tiyo Atoy at Tiya Lorna si Jessy?
Tunghayan 'yan sa brand new episode at Christmas special na "Ang Tunay na Kulay ng Pasko: The Jessy Hernandez Story," ngayong Sabado, December 25, 8:15 pm sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






