IN PHOTOS: Maabilidad na balut vendor, magiging imbentor sa '#MPK'

Bibida na naman ang galing ng Pinoy sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Kuwento ito ni Roland Barrientos, isang maabilidad na ama na pinasok na ang lahat ng maaaring trabaho--mula pagtitinda ng balut, pangongolekta ng basura at maging ang pangangalakal--para buhayin ang kanyang pamilya.
Sa kasamaang palad, kulang pa rin ito para sa asawa niyang si Karen. Pupunta ito sa ibang bansa para magtrabaho kaya maiiwan kay Roland ang kanilang mga anak.
Mangangako si Roland na bubuuin ang pamilya pero hindi niya ito magagawa.
Makikilala niya si Jennifer, isang dalagang higit na mas bata sa kanya. Kay Jennifer mahahanap ni Roland ang suporta at kalinga na hindi niya makuha mula sa asawang si Karen.
Magiging sanhi naman ito ng lamat sa relasyon ni Roland at ng kanyang panganay na si Rochelle.
Huwag palampasin ang fresh at brand new episode na "Balut Vendor Turned Inventor: The Roland Barrientos Story," ngayong Sabado, January 8, 7:15 pm sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






