Lalaking may kapansanan, magiging TikTok star sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Miguel Tanfelix on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Miguel Tanfelix on #MPK



Hindi hadlang ang kapansanan para sa mga pangarap.

'Yan ang mapapanood sa isang episode ng real-life drama anthology na Magpakailanman.

Kuwento ito ni Diego Garcia, isang lalaking ipinanganak na walang mga binti at may underdeveloped na mga kamay.

Naging tampulan ng tukso si Diego dahil sa kanyang kundisyon. Lagi naman siyang sinusuportahan ng kapatid niyang si Billy Joe na pinapasan pa siya para makapasok sa eskuwelahan.

Tagapagtatanggol din niya ang kanyang inang si Lyn, kahit nakakaranas pa ito ng pag-aabuso mula sa asawang si Joseph.

Sa paglaki ni Diego, paano kaya niya haharapin ang hamon ng buhay lalo na at siya ay may kapansanan?

Abangan ang isa na namang natatanging pagganap ni Miguel Tanfelix sa episode na "Footless and Fearless: The Diego Garcia Story," November 23, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Miguel Tanfelix
Sharmaine Arnaiz
Paul Salas
Mike Lloren
Saviour Ramos
Sophia Senoron
Fearless and Footless

Around GMA

Around GMA

'Short-lived' La Niña to affect PH until early 2026 —PAGASA
4 hurt in Maguindanao del Sur explosion
A for A On Playlist