IN PHOTOS: Mabuting guro, makukulong dahil sa maling paratang sa '#MPK'

GMA Logo Tom Rodriguez on #MPK

Photo Inside Page


Photos

Tom Rodriguez on #MPK



Isang ulirang guro ang magiging biktima ng mapanghusgang mga mata sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.


Kuwento ito ni JR, isang magaling na high school teacher. Naniniwala siya na malayo ang mararating ng mga estudyante kung mabibigyan lang sila ng tamang gabay.

Isa sa mga mine-mentor ni JR ay si Anton. Inaalalayan ni JR si Anton sa pagsali nito sa iba't ibang mga school contests at maging sa paghahanap ng scholarship para makapagpatuloy ng pag-aaral.

Maging ang mga magulang ni Anton, humihiram ng pera kay JR.

Bibigyan ng malisya ng ilang taong nakapaligid sa kanila ang closeness na ito ni JR kay Anton.

Dahil isang taong pamilyado, si JR na mismo ang lalayo kay Anton para hindi na ito madamay sa mga malisyosong haka-haka.

Hanggang isang araw, aarestuhin ng mga pulis si JR dahil sa kaso ng sexual abuse na isinampa sa kanya ni Anton.

Bakit ito nagawa ni Anton? Ano ang mangyayari kay JR sa loob ng kulungan?

Abangan 'yan sa fresh at brand new episode na "Lies and Secrets: The Julio Millet Bocauto Story," ngayong Sabado, February 19, 8:00 pm sa '#MPK.'


Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Tom Rodriguez
Bryce Eusebio
Shamaine Buencamino
Faye Lorenzo
Malisya
Aresto
Lies and Secrets

Around GMA

Around GMA

PNP to deploy over 70,000 cops for Simbang Gabi 2025
Kim Won-shik brings star power to Jolly Clean Holiday Pop-Up
Duterte calls plunder, graft raps a 'fishing expedition'