IN PHOTOS: Videos tungkol sa mga tsismosang kapitbahay, viral sa '#MPK'

Buhay ng viral star na si Aling Nena ang tampok sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Si Aling Nena ay tsismosang kapitbahay na nakilala sa kanyang catchphrase na "walang ganun, mars."
Ang gurong si Richo Bautista ang tao sa likod ng patok na online persona na ito.
Bata pa lang si Richo, mahilig na siyang manggaya ng mga radio drama na napapakinggan niya kasama ang kanyang tiyahin.
Laki man sa hirap, sinuportahan ni Richo ang kanyang sarili para makatapos ng pag-aaral at maging isang ganap na guro.
Dahil kumikita na, nagdesisyon siyang pauwiin ang kanyang ina na nagtatrabaho sa ibang bansa bilang isang overseas Filipino worker o OFW.
Pero sa pag-uwi nito, dito na lalabas ang mga hinanakit ni Rico sa kanyang ina.
Maayos pa ba ang relasyon ng dalawa? Paano nila haharapin ang pagsubok ng pandemya bilang isang pamilya?
Abangan 'yan sa fresh at brand new episode na "Walang Ganun, Mars! The Richo Bautista Story" March 12, 8:00 p.m. sa '#MPK.'
Please link plug once available
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






