IN PHOTOS: Sheryl Cruz gaganap bilang "Illegal Wife" sa '#MPK'

GMA Logo The Illegal Wife

Photo Inside Page


Photos

The Illegal Wife



Isang matinding pagsubok ang haharapin ng isang ina at biyuda sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Ika-pito sa labinganim na magkakapatid si Sonya at dahil sa pagmamahal niya sa pamilya, pinag-aral at tinustusan niya ang mga kapatid hanggang makapagtapos ang lahat ng ito.

Nang sigurado siyang maayos na ang kinabukasan ng kanyang mga kapatid, dito lang binigyan ng atensiyon ni Sonya ang kanyang sarili.

Anim na taon siyang sinuyo ng masugid na mangliligaw na si Joey. Kahit aminado sa sarili si Sonya na hindi niya mahal ang lalaki, papayag siyang magpakasal dito.

Hindi naman nagkamali si Sonya sa kanyang desisyon dahil pinatunayan ni Joey na isa siyang mabait, mapagpasensiya at mapagmahal na asawa sa kanya at mabuting ama sa kanilang nag-iisang anak na si Peter.

Nang magkasakit si Joey, gagawin ni Sonya at lahat para maalagaan siya. Pero sa kasamaang palad, mamatay ito.

Dito na masisiwalat na sa tagal ng kanilang pagsasama, hindi pala si Sonya ang legal na asawa ni Joey.

Paano ito tatanggapin ni Sonya?

Abangan 'yan sa fresh at brand new episode na "The Illegal Wife," March 19, 8:00 pm sa '#MPK.'

Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:


Sheryl Cruz
Gary Estrada
Married
Bruce Roeland
Sick
Not legal
The Illegal Wife

Around GMA

Around GMA

Wilma slightly accelerates, 27 areas under Signal No. 1
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBUĀ