IN PHOTOS: Babae, hindi matakasan ang kanyang abusive na karelasyon sa '#MPK'

Kuwento ng isang abusive relationship ang matutunghayan sa upcoming fresh at brand new episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Mataas ang pangarap ni Nori para sa anak niyang si Rina. Mabuting impluwensiya kay Rina ang kababata nitong si Meinard at umaasa si Nori na magkatuluyan ang dalawa para maging magkatuwang sa pag-abot ng kaniang mga pangarap.
Sa kasamaang-palad, naligaw ng landas si Rina. Maaga itong nagkaroon ng anak kaya napilitan magtrabaho sa isang night club.
Sa trabahong ito niya makikilala ang kinakasamang si Edward, isang lalaking bayolente at mapanakit.
Kahit anong tulong na alok nina Nori at Meinard kay Rina, hindi nito mahiwalayan si Edward dahil dito nakasalalay ang trabaho niya.
Maging sapat ba ang pagmamahal nina Nori at Meinard para iwan ni Rina si Edward?
Abangan 'yan sa fresh and brand new episode na "When My Daughter Falls In Love," May 21, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Silipin ang ilang eksena mula sa episode sa gallery na ito:






