IN PHOTOS: Pamilya, mamalasin dahil sa sukob sa '#MPK'

Isang pamilya ang makakaranas ng sunud-sunod na kamalasan dahil sa sukob sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Ang sukob ay isang pamahiin kung saan pinaniniwalaang ang magkapatid na ikakasal sa parehong taon ay makakaranas ng malas.
Sukob ang kasal ng magkapatid na Andoy at Fe.
Pinaniniwalaan nilang dahil dito, nakunan ang asawa ni Andoy na si Anabelle. Bukod dito, nakakaranas ng pananakit si Fe mula sa asawa niyang si Carmelo.
Paano malalagpasan ng kanilang pamilya ang mga pagsubok na ito?
Abangan 'yan sa brand new episode na "Kutob ng Sukob: The Andoy and Anabelle Delposo Story," July 9, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






