Lalaki, magdo-donate ng kidney sa high school sweetheart sa '#MPK'

Hindi lang puso kundi pati kidney ang simbolo ng pagmamahal ng isang lalaki sa kanyang high school sweetheart sa ika-500 episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Pinamagatang "My Kidney Belongs To You," kuwento ito ng magkasintahang Philip at Irish na nagkakilala noong sila ay mga high school students pa lang.
Naging matatag ang kanilang pagsasama hanggang sa tamang panahon at wastong edad, nag-propose na si Philip kay Irish.
Pero kung kailan naman engaged na ang dalawa, mada-diagnose si Irish ng chronic kidney disease. Sa kasamaang palad, wala sa mga kamag-anak niya ang qualified na mag-donate ng kidney sa kanya.
Kaya naman magde-desisyon si Philip na siya na mismo ang maging kidney donor ng fiancee, kahit tutol dito ang kanyang ama.
Masasagip ba ni Philip si Irish? Paano makakaapekto ang desisyon niya sa relasyon niya sa kanyang pamilya?
Abangan ang kanilang kuwento sa ika-500 episode na "My Kidney Belongs To You," December 30, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






