IN PHOTOS: Buhay ni Tess Bomb, tampok sa '#MPK'

Tampok ang life story ng komedyanteng si Tess Bomb sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Espesyal rin ang episode dahil ang kapwa komedyante niyang si Rufa Mae Quinto ang gaganap sa kanya.
Si Tess Bomb, o Maritess Maranon, ay nakilala bilang isang magaling at masipag na komedyante.
Prayoridad niya ang mabigyan ng magandang buhay kanyang pamilya kaya ganoon na lang siya kung kumayod.
Dahil dito, napabayaan na niya ang personal niyang kaligayahan pati na ang sarili niyang kalusugan.
Paano siya makakabangon mula dito? Matututo ba siyang alagaan ang kanyang sarili?
Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na pinamagatang "Laughter and Tears: The Tess Bomb Story," September 24, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






