IN PHOTOS: Buhay ng world class Pinay athlete na may Guinness World Record, tampok sa '#MPK'

Buhay ng atleta at Guiness World Record holder na si Silamie Apolistar-Gutang ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
https://www.gmanetwork.com/entertainment/tv/magpakailanman/home/
Nagdala ng karangalan sa Pilipinas si Silamie, o Seannah sa mga malapit sa kanya, nang makakuha siya ng Guinness World Record para sa highest altitude obstacle course race na nakumpleto niya sa Mount Kilimanjaro noong 2021.
Bago naging matagumpay na atleta, masalimuot ang naging buhay ni Seannah. Na-deport siya at kanyang ina at kapatid sa Pilipinas mula Malaysia at naiwan doon ang Malaysian niyang ama.
Nagkahiwalay din silang mag-anak dahil nakitira si Seannah at kapatid niyang si Gary sa iba't ibang mga kamag-anak nila sa Pilipinas habang naghahanap ng trabaho ang nanay nilang si Mara.
Nang magsasama-sama muli silang tatlo, isang malagim na trahedya ang haharapin ni Seannah.
Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na pinamagatang "My Race to Happiness: The Silamie Apolistar-Gutang Story," October 22, 8:15 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






