Pamilya, naghihintay ng himala para sa anak na may sakit sa Christmas special ng 'Magpakailanman'

Kuwento ng pag-asa at inspirasyon ang hatid ng Christmas ng episode ng real life drama anthology na Magpakailanman.
Tampok dito ang karanasan ng pamilya Madrid, isang Filipino family na nakatira sa Canada.
Dadaan sa malaking pagsubok ang pamilya nang biglang magkaroon ng 'di maipaliwanag na sakit ang kanilang anak na si Matthew.
Mananatili ang pag-asa ng mag-asawang Daisy at Pol na gagaling din ang kanilang anak.
Sa pagdating ng Pasko, makukuha ba nila ang kanilang ipinagdarasal?
Huwag palampasin ang Christmas special na "Agaw-Buhay - A Christmas Miracle: The Madrid Family Story," December 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






