IN PHOTOS: Ina, nais makapiling ang anak na ibinenta sa '#MPK'

GMA Logo Sana Muling Makapiling on MPK

Photo Inside Page


Photos

Sana Muling Makapiling on MPK



Dapat bang patawarin ng anak ang inang nagbenta sa kanya?

'Yan ang kuwentong tampok sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.

Dahil sa pangangailangan ng asawang may sakit, ibebenta ni Erlin ang bunsong anak niyang si Dalia kay Virgie, kaibigan niyang walang anak.

Nang tuluyan nang pumanaw ang kanyang asawa, susubukang bawiin ni Erlin ang anak mula kay Virgie pero hindi na niya ito mahagilap.

Matapos ang ilang taon, muli niyang matutunton sina Virgie at Dalia.

Aaminin ni Virgie kay Dalia na si Erlin ang tunay nitong ina. Susubukan naman ni Erlin na makuha ang kapatawaran ng anak at magiging bukas naman si Dalia sa efforts ng ina.

Titira pa si Dalia sa poder ng tunay na ina para mabawi ang ilang taon ng pagkakawalay nila.

Ito na ba ang simula ng magandang relasyon nilang mag-ina o magbubukas ba ito ng panibagong mga problema para sa kanila?

Abangan ang kanilang kuwento sa "Sana Muling Makapiling," January 6, 8:00 p.m. sa '#MPK.'

Second to the last line: Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Glydel Mercado
Cassy Legaspi
Racquel Pareño
Joyce Ching
Truth
Forgiveness
Sana Muling Makapiling

Around GMA

Around GMA

1 patay at 1 pa ang sugatan sa ambush sa Maguindanao del Sur
Dawn Zulueta opens up on navigating menopause with grace and confidence
Torres game-winner saves Benilde, forces semis do-or-die versus SBU