Biyudong ama, mananawagan ng gatas para sa kanyang triplets sa 'Magpakailanman'

Kuwento ng isang biyudo na nag-viral dahil sa kanyang kakaibang hiling ang tampok sa 'Magpakailanman.'
Isang masipag na binata si Joel at tila makukumpleto ang kanyang buhay nang makilala ang kasintahang si April.
Mabibiyayaan sila ng triplets kaya laking tuwa ng dalawa dahil tuluyan na silang magiging isang pamilya.
Pero maraming kumplikasyon ang pagbubuntis ni April at hindi nito nasu-survive ang panganganak.
Suwerte namang mabubuhay ang triplets pero kailangan nilang mamalagi sa incubator dahil sila ay premature. Patung-patong na rin ang hospital bills na kailangang bayaran ni Joel.
Bukod dito, problema rin niya ang gatas ng tatlong anak kaya mananawagan siya sa social media ng tulong. Paano bubuhayin ni Joel ang tatlong anak ngayong wala na si April?
Panoorin ang kanilang kuwento sa "Love Times Three: The Joel and April Regal Love Story," October 12, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






