IN PHOTOS: Lalaki, pangarap maging boksingero sa kabila ng mga pagsubok sa '#MPK'

Isang kuwento ng matayog na pangarap ang tampok sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Tulad ng maraming Pinoy, isang boxing fan din si Renerio Arizala o mas kilala sa tawag na Bong. Naimpluwensiyahan siya dito ng kanyang nakakatandang kapatid na si Andres na big fan ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao.
Si Andres ang humikayat kay Bong na mag-train sa boksing. Siya pa ang gumastos para sa training ng kapatid gamit ang kanyang kita bilang isang jeepney driver.
Ano-ano ang mga pagsubok na haharapin ni Bong bago matupad ang kanyang pangarap na maging professional boxer?
Panoorin ang brand new episode na "Almost A Champion: The Renerio 'The Amazing' Arizala Story," March 4, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






