Buhay ni Kuya Kim Atienza, tampok sa '#MPK'

Isang celebrity life story ang magbubukas ng buwan ng April sa real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Sa bagong episode na ito, tampok ang buhay ni celebrity host Kim Atienza o mas kilala bilang Kuya Kim.
Pinalaki sa isang relihiyosong pamilya si Kuya Kim pero sa kabila noon, hindi pa rin siya nalayo sa mga bisyo.
Pangarap niyang makapasok as mundo ng telebisyon at entertainment at nang makamit niya ito sa wakas, tila siningil siya ng kanyang katawan sa mga kapabayaan niya noong kanyang kabataan.
Magkasunod na malulubhang karamdaman kasi ang sumubok sa tatag ng mga mahal niya sa buhay pati na ng kanyang pananampalataya.
Paano kaya binago ni Kuya Kim ang kanyang buhay para marating ang tagumpay niya ngayon bilang isa sa mga pinakamamahal na celebrities sa telebisyon?
Abangan 'yan sa brand new episode na "My Third Life: The Kim Atienza Story," April 1, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






