Cancer survivor, dala ang inspirasyon at good vibes online sa '#MPK'

Isang pambihirang kuwento ng katatagan ng loob ang mapapanood sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Nagisilbing inspirasyon online si Sean Beltran, isang cancer survivor at amputee.
Na-diagnose siya ng stage 4 bone cancer at kinailangan putulin ang isa sa kanyang mga braso para mapigilan ang pagkalat ng cancer cells sa kanyang katawan.
Matapang niyang ibinahagi ang kuwento ng kanyang buhay para magsilbing ispirasyon at kapulutan ng aral ng iba pang katulad niyang humarap sa matinding pagsubok sa kalusugan.
Pero bago pa man mag-viral dahil sa good vibes at confidence niya, ano nga ba ang mga pinagdaanan ni Sean?
Abangan ang kanyang kuwento sa brand new episode na "Viral Cancer Survivor: The Sean Beltran Story," April 15, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






