Buhay ni young Kapuso actor Bruce Roeland, tampok sa '#MPK'

Ibinahagi ng Filipino-Belgian Kapuso actor na si Bruce Roeland ang kuwento ng kanyang buhay sa bagong episode ng real life drama anthology na #MPK o Magpakailanman.
Lalong naging espesyal ang episode dahil si Bruce mismo ang gaganap sa kanyang sarili.
Ipinanganak at lumaki si Bruce sa Belgium. Filipina ang kanyang inang si Flor habang Belgian naman ang tatay niyang si Michel.
Sundalo sa Belgian army si Michel at mada-diagnose ito ng post-traumatic stress disorder matapos manilbihan sa Afghanistan. Dahil dito, magdedesisyon ang kanilang pamilya na manirahan sa Pilipinas.
Pero noong 10 years old na si Bruce, biglang babalik sa Belgium si Michel at hindi na magpaparamdam muli sa kanila ni Flor.
Lalaki si Bruce na may hinanakit sa ama. Paano makakabangon si Bruce at Flor?
Abangan ang natatangging pagganap ni Bruce Roeland sa sarili niyang talambuhay sa brand new episode na "A Son's Hero: The Bruce Roeland Story," April 22, 8:00 p.m. sa #MPK.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng #MPK.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






