Mag-asawa, parehong gagayumahin ng isang lalaki sa 'Magpakailanman'

Masusubukan ang pagmamahalan ng mag-asawa dahil sa gayuma sa real life drama anthology na Magpakailanman.
Sa episode na pinamagatang "Mag-asawa, Ginayuma," isang kakaibang pagsubok ang haharapin ng mag-asawang sina Elmer at Dessa.
Para kumita ng pera, kailangang magtrabaho ni Elmer sa isang sakahan sa Tarlac habang maiiwan si Dessa sa Zambales.
Makikilala ni Elmer sa sakahan si Raul na unti-unti palang naglalagay ng gayuma sa kape niya. Mapapasailalim sa gayuma ni Raul si Elmer kaya mapapabayaan niya si Dessa.
Dahil nagtataka sa ikinikilos ng asawa, pupunta si Dessa sa Tarlac. Pero imbis na umuwi sa Zambales kasama si Elmer, mapapasailalim din si Dessa sa gayuma ni Raul.
Makakawala ba sina Elmer at Dessa mula sa gayuma ni Raul?
Abangan ang "Mag-asawa, Ginayuma," June 21, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






