Buhay ni Kapuso actress Faye Lorenzo, tampok sa 'Magpakailanman'

GMA Logo The Faye Lorenzo Story on MPK

Photo Inside Page


Photos

The Faye Lorenzo Story on MPK



Isang celebrity life story ang tampok sa real life drama anthology na Magpakailanman.

Ibinahagi ni Kapuso actress and comedienne Faye Lorenzo ang kuwento ng kanyang buhay sa episode na pinamagatang "Daughter's Dollhouse."

Dahil sa regalong dollhouse ng mga magulang niyang sina Itoy at Gilai, pangarap ni Faye na makapagpatayo ng sariling bahay para sa kanyang pamilya.

Pero dahil sa hirap ng buhay, bigla silang aabandonahin ng nanay nilang si Gilai. Sa murang edad, mapipilitan si Faye na maging breadwinner ng pamilya.

Para mabigyan ng mas magandang kinabukasan ang mga mas nakababatang kapatid, makikipagsapalaran si Faye sa mundo ng showbiz.

Unti-unti nang bumubuti ang buhay ni Faye at ng kanyang pamilya nang harapin nila ang panibagong pagsubok--mada-diagnose ng cancer ang ama niyang si Itoy.

Abangan ang natatanging pagganap ni Faye Lorenzo bilang kanyang sarili sa "Daughter's Dollhouse: The Faye Lorenzo Story," April 27, 8:00 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episodes nito sa Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa GTV at Pinoy Hits, 9:45 p.m.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Faye Lorenzo
Gary Estrada
Bernadette Allyson
Gigi Locsin
Showbiz
Cancer
The Faye Lorenzo Story

Around GMA

Around GMA

Pag-abli sa Davao City Coastal Road Segment B dili na madayon | One Mindanao
Bondi Beach hero becomes source of pride in Syrian hometown
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection