Babaeng inabandona ng ina, pinagmalupitan pa ng madrasta sa 'Magpakailanman'

GMA Logo Ang Hiling sa Diyos on MPK

Photo Inside Page


Photos

Ang Hiling sa Diyos on MPK



Isang pambihirang kuwento ng pagsisikap at pananampalataya ang mapapanood sa real life drama anthology na Magpakailanman.

Pinamagatang "Ang Hiling sa Diyos," kuwento ito ng isang babae na inabandona ng sarili niyang ina at nakaranas pa ng pagmamalupit sa kanyang madrasta.

Produkto ng isang arranged Filipino-Chinese marriage si Vange. Hindi masaya ang nanay niyang si Carmen sa tatay niyang si Jessie na may kakulangan sa pag-iisip.

Hihiwalayan ni Carmen si Jessie at isasama si Vange sa pag-alis nila sa tahanan nito. Pero dahil sa hirap ng buhay, mapipilitan si Carmen na ibalik si Vange sa poder ni Jessie.

Sa pagbabalik ni Vange, malalaman niyang may bagong asawa na si Jessie. Ito ay ang dating kasambahay na si Siena.

Ano ang kahihinatnan ni Vange sa malupit na madrastang si Siena?

Abangan ang kuwentong 'yan sa "Ang Hiling Sa Diyos: The Vange Uy-Cuaki Story," September 14, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.

Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream.

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Rhian Ramos
Marina Benipayo
Jong Cuenco
Gilleth Sandico
Prayer
Vange Uy-Cuaki
Ang Hiling sa Diyos

Around GMA

Around GMA

Scammers face up to 24 strokes of the cane in Singapore
Firecrackers seized in Mandaue City based on ban