Magkababatang parehong nabalo, reunited sa '#MPK'

GMA Logo When Love Returns

Photo Inside Page


Photos

When Love Returns



Tungkol sa second chances ang brand-new episode real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'


Pinamagatang "When Love Returns," tungkol ito sa muling pagkikita ng dalawang magkababata matapos nilang parehong mabalo.

May lihim na pagtingin sa isa't isa sina Bang at Kulas.

Pero dahil sa pag-aakalang may ibang kasintahan na si Kulas, magpapakasal sa iba si Bang.

Mawawalan ng komunikasyon ang dalawa lalo na at busy na sila sa kanikanilang mga pamilya.

Pero sa 'di inaasahang pagkatataon, muling magkikita sina Bang at Kulas noong pareho silang mabalo.

Ito na ba ang pagkakataon nilang maituloy ang naudlot nilang love story?

Abangan ang kuwentong 'yan sa brand-new episode na "When Love Returns: The Bang Valles and Kulas Villasoto Story," July 8, 8:00 p.m. sa '#MPK.'


Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Bobby Andrews
Angelu de Leon
Kate Valdez
Kelvin Miranda
Reunion
Second chance
When Love Returns

Around GMA

Around GMA

New Year's 2026 celebration around the world
Separate fires hit over 10 structures in Bacolod City
Heart Evangelista teases new project on social media