Lalaking OFW na biktima ng krimen, siya pang makukulong sa '#MPK'

Pambihirang pagsubok ang haharapin ng isang overseas Filipino worker o OFW sa brand-new episode real life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'
Breadwinner ng pamilya si Lito kaya pipiliin niyang magtrabaho sa Saudi Arabia para masuportahan ang mga ito.
Masisira ang tahimik na pagsisipag ni Lito nang maging biktima siya ng karumaldumal na krimen.
Dudukitin kasi siya ng tatlong Arabo at gagahasain sa disyerto. Mahuli at makukulong ang mga gumawa nito sa kanya pero ilang araw lang ang lilipas, babaliktarin naman siya ng mga lalaking ito.
Palalabasin nila na isang gay sex worker si Lito kaya ito pa ang makukulong!
Ano ang mangyayari kay Lito sa kulungan? Makakabalik pa ba siya sa Pilipinas?
Abangan ang kuwentong 'yan sa brand-new episode na "Male Rape Victim," July 15, 8:15 p.m. sa '#MPK.'
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






