Ina, titira sa lansangan para mapalapit sa mga anak sa '#MPK'

Isang kuwento ng pagpapatawad ang matutunghayan sa real life drama anthology na Magpakailanman.
Pinamagatang "Inang Walang Pamilya," tungkol ito sa isang babaeng gagawin ang lahat para mapatawad siya ng kanyang pamilya.
Isang mabuting ina at asawa si Rose pero matutukso siya at magkakaroon ng relasyon sa kaibigan ng kanyang asawang si Bernard.
Nang malaman ito ng asawa at ng kanilang mga anak na sina Lea, Harry at Trina, mapapalayas si Rose sa kanilang tahanan.
Malalaki na ang mga bata nang biglang magbalik si Rose. Nais niyang humingi ng tawad sa pamilya para mabuo na silang muli.
Pero tila hindi pa handang magpatawad si Bernard, pati na sina Lea, Harry at Trina.
Para hindi na mawalay pa sa pamilya, pipiliin ni Rose na tumira sa lansangan kung saan matatanaw niya ang bahay ng kanyang mag-anak.
Matatanggap pa ba muli ng kanyang pamilya si Rose?
Abangan ang "Inang Walang Pamilya," June 22, 8:15 p.m. sa Magpakailanman.
Naka-livestream din nang sabay ang episode sa Kapuso Stream. May delayed telecast din ito sa Pinoy Hits, 9:45 p.m.
Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:






