Marathon runner, masusubukan ang tatag dahil sa kakaibang kundisyon sa '#MPK'

GMA Logo Alden Richards on MPK

Photo Inside Page


Photos

Alden Richards on MPK



Inspiring na kuwento ng isang marathon runner ang tampok sa brand new episode real-life drama anthology na '#MPK' o 'Magpakailanman.'

Pinamagatang "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story," iikot ang kuwento nito sa mga pagsubok na haharapin ni Jirome simula nang magkaroon siya ng kundisyong dystonia.

Ang dystonia ay isang kundisyon na nagiging sanhi ng involuntary muscle spasms sa katawan ng tao.

Isang marathon runner si Jirome kaya malaking dagok ang kundisyong ito para sa kanya. Apektado rin nito ang mga pang-araw araw nagawain niya kaya made-depress si Jirome.

Maipagpapatuloy pa kaya niya ang pinakamamahal niyang sport na marathon running?

Abangan ang kuwentong 'yan sa brand new episode na "A Runner to Remember: The Jirome de Castro Story," August 5, 8:15 p.m. sa '#MPK.'

Ito ang unang episode sa month-long special ng '#MPK,' kung saan bibigyang-buhay ni Asia's Multimedia Star Alden Richards ang apat na inspiring stories ng mga pambihirang tao.


Naka-livestream din nang sabay ang episode sa GMANetwork.com, sa YouTube account ng GMA Network at sa Facebook at TikTok accounts ng '#MPK.'

Samantala, silipin ang ilang eksena ng episode sa gallery na ito:


Alden Richards
Sanya Lopez
Dystonia
Mood
Supportive
Recover
A Runner to Remember

Around GMA

Around GMA

OVP gets P889M after bicam approval
Dawn fire razes 7 houses in Estancia, Iloilo
Japanese lifestyle brand unveils limited edition 'Evangelion' merch collection